0
-->

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang tatlong-taong-gulang na babae sa Banaybanay, Davao Oriental na pinatay at inabuso pa.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing labis ang hinapis ni Mariano Paulin nang makita ang bangkay ng kaniyang apo.
Natagpuan ang bangkay ng batang biktima sa isang ilog na mahigit 200 metro lang ang layo sa kanilang bahay.

Suspek sa krimen ang kapitbahay ng pamilya ng biktima na si Eduardo Agoncillo, 51-anyos.
Ayon kay Paulin, si Agoncillo pa raw ang nagturo kung nasaan ang bata nang panahon na hinahanap nila ang apo.
Matagal na raw nilang kapitbahay ang suspek kaya hindi sila makapaniwala sa ginawang krimen sa kaniyang apo.
"Sa mga ebidensiya, naniniwala na rin kami na siya nga. Mula pa noong pagkawala [ng bata] hanggang sa nakita [ang bangkay] siya rin ang nagturo kung nasaan ang bata," pahayag ni Paulin.
Mariin namang itinanggi ni Argoncillo ang paratang sa kaniya.
Naniniwala ang ina ng batang biktima na naka-droga ang suspek nang gawin ang krimen.
Nanawagan ang ginang kay incoming president Rodrigo Duterte na tulungan silang makamit ang hustisya at ibalik ang parusang kamatayan.
Sa isinagawang pagsusuri sa bangkay ng biktima, lumitaw na inabuso ang bata.
Ayon sa pulisya, si Argoncillo ang lumalabas na pangunahing salarin sa krimen batay sa nakalap nilang testimonya.



Source: GMA News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top