0
-->

Sa kulungan sa Malolos, Bulacan nauwi ang sana'y pag-aaliw at panonood ng sine ng isang Canadian na kapitan ng barko matapos siyang ireklamo ng pambabastos nitong Linggo.
Dinampot ang dayuhan si Reymond Michael Quelet matapos umanong mambastos sa mag-asawa at tangkang pananakit ng pulis sa loob ng isang sinehan.
Ayon sa mag-asawang Theodirico at Patricia Angeles, nasa likod nila si Quelet ang misis nito habang nanonood ng sine pasado alas-9 ng gabi.
Hindi umano nagustuhan ng dayuhan ang pag-ilaw ng cellphone ni ginang Angeles nang makatanggap siya ng text mula sa mga anak na naiwan sa kanilang bahay.
Sinabuyan umano ng yelo ni Quelet ang mag-asawa, at inulit ito kahit pa lumipat na sila ng upuan.
Sinaway ng isang guwardiya ang dayuhan pero tumanggi itong lumabas ng sinehan.
Nadamay sa gulo si P03 Mike Baguio nang pagsabihan niya ang dayuhan dahil nahagip rin sya ng ihinagis na yelo.
Pero sa halip na humingi ng tawad ay sinuntok pa ni Quelet ang pulis na nakailag naman.
Iginiit ng dayuhan sa news team na walang mali sa kanyang ginawa, bagama't inamin din niya sa pulis at doktor na sumuri sa kanya na nakainom siya.
Humingi na ng tawad sa mga nagrereklamo si Quelet pero desidido ang mag-asawang Angeles na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.
Nahaharap si Quelet ngayon sa mga kasong slight physical injuries, alarm and scandal, unjust vexation at direct assault.


Source: ABS-CBN News
Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top