0
-->

Matapos ang dalawang taong pagtatago, naaresto ang lalaking ilang ulit umanong nagsamantala sa isang menor de edad sa Laguna. Pero ang suspek, idinahilan na mahilig daw na magbisikleta ang biktima kaya maaaring inakala raw na inabuso ito.
Sa ulat ni John Consulta sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing hindi nakapagpigil ang mga magulang ng 15-anyos na biktima na suntukin at sipain nang makita nila ang suspek na si Freddie Gabugay Jr., sa Biñan, Laguna Police Station.
Naaresto ng mga awtoridad si Gabugay, number 5 most wanted ng Biñan, matapos na dalawang taong magtago sa Calapan, Oriental Mindoro.
Ayon sa ama ng biktima, nagsumbong ang kaniyang 15-anyos na anak tungkol sa ginagawang paulit-ulit na pang-aabuso na ginawa umano ni Gabugay.
Siyam na taong gulang pa lang daw ang biktima nang simulan itong abusuin ng suspek.
Aminado naman ang suspek na dati siyang gumagamit ng droga pero itinanggi niya ang paratang na inabuso niya ang biktima.
Paliwanag niya, maaaring inakala na nagalaw ang biktima dahil sa madalas daw itong magbisikleta.
"Kapag nakaupo ka bisikleta, naniniwala po ako na nababawasan ang virginity ng isang tao," ayon kay Gabugay.
Source: GMA News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top