0
-->

Kinikuwestiyon ngayon ng gobyerno ng Malaysia kung saan napunta ang P30 million na bahagi ng P130 million na ramsom money na ibinayad nila sa Abu Sayyaf para mapalaya ang apat na Malaysian sailor na dinukot noong Abril.



Ang pagbayad ng ransom ay kinumpirma mismo ng dalawang government official ng Malaysia sa pamamagitan ni Deputy Prime Minister Ahmad Zahid Hamidi.


Ayon sa hindi nagpakilalang government official ng Malaysia, pinadaan umano ang ransom sa isang branch ng Malaysian police at ibinigay sa mga local official ng Sulu na may kinalaman sa negosasyon sa pagpapalaya sa mga bihag.

Hindi umano direktang binigay ang ransom sa bandido kundi dinaan ito sa legally at religiously sanction organization and agencies sa Pilipinas pero hindi na tinukoy ang grupong tumanggap ng pera.


Dahil dito, lumalakas umano ang mga balitang may ilang opisyal sa Sulu ang nakikipagsabwatan sa Abu Sayyaf Group (ASG) at nakikinabang sa ransom.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top