0
-->

MANILA - Nahuli at binugbog ng taumbayan ang dalawang lalaking gumamit umano ng tow truck sa tangkang pag-carnap ng isang sasakyan sa Malate, Maynila, Sabado.
Kwento ng delivery truck driver na si Samuel Caole, Jr., binabagtas niya ang Osmeña Highway kasama ang kanyang anak na si BJ nang harangin sila ng isang tow truck.
Pinilit umano ng apat na lalaking sakay ng tow truck na hatakin ang delivery truck kahit na wala itong sira.
Nang hindi pumayag si Caole na ipahila ang kanyang truck, binasag umano ng mga suspek ang kanyang side window at kinuha ang susi ng nito.
Dito na nanlaban ang mag-amang Caole na tinulungan ng mga taong nakakita sa pangyayari.
Agad na tumakas ang tow truck pero naiwan ang crew na sina Hubert Bernales at Honesto Escudero na kinuyog ng taumbayan.
Iginiit naman ni Escudero na hinarang lang nila ang truck dahil wala umano itong ilaw.
Sa kabila ng pag-apela, dinala sa presinto ang dalawa.
Napuna naman si barangay kagawad Jet Fabian na tila nagiging modus operandi na ng mga carnapper ang paggamit ng tow truck para makapagnakaw ng sasakyan sa lugar.
"May mga info na po akong natanggap sa opisina ko tungkol sa ganyang complaints. Nanghaharang ng truck na tumatakbo and sapilitang kinukuha ang susi. Ngayon naging violent na po kasi, so hindi tama," ani Fabian.
Pinapayuhan ang publiko na maging alisto sa daan at kung sakaling harangin ng tow truck ay hingin muna ang accreditation paper nito. Maaari ring lumapit sa pinakamalapit na police station o barangay hall.


Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top