0
-->

CEBU CITY - Binalaan ngayon ni Cebu Provincial Police Office director S/Supt. Clifford Gairanod ang mga pulis na tatanggalin sa tungkulin kung mahuling nakipagsabwatan sa mga drug lord.

May impormasyon ang intelligence unit na naglaan umano ng P50,000 ang isang druglord sa pulis na makapagbigay ng detalye sa gagawing raid.

Ang sinasabing druglord ay nakabase raw sa hilagang bahagi ng probinsiya ng Cebu.


Ayon pa rito, dahil sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ay apektado na ang drug trade.

Si Gairanod ay mayroong mga pangalan ng ilang pulis na isinailalim sa imbestigasyon sapagkat ang mga ito ay idinadawit umano bilang mga drug protector.

Nabatid na matapos manalo si President-elect Rodrigo Duterte ay sunod-sunod na ang raid sa mga suspected drug pusher sa Cebu kung saan ang iba ay nagtagumpay habang may ilang subject din ang nakatakas.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top