0
-->


Mga magnanakaw sa NAIA T3, bumabanat na naman. Mula sa facebook post ni Jet Yan ito ang mga pangyayari. Around 9:30PM June 17,2016 tonight, pumunta ako ng NAIA Terminal 3 upang sunduin ang aking kliyente na balikbayan galing U.S.. Sakay sila ng DELTA Airlines, byaheng U.S. – MANILA. Pagdating ko ng Bay 5 area kung saan sila naghihintay, ang unang bungad pa lang sa kin ni Maam, “Hi IAN, sorry medyo natagalan kaming lumabas ng Airport kasi hinintay pa namin yung bagahe namin, medyo matagal nga talaga lumabas. Ito nga pansin na lang namin bukas na at sinira pa. Hindi na rin kami nagreklamo, alam mo naman dito sa ‘tin”.

Naawa at nalungkot ako sa sinabi ni Maam. Sana hindi na ito gawin pa ng mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Airport. Iilan lang ang tulad ni Maam na kayang umunawa at ayaw ng gulo. Ako yung galit na galit sa ginawa nila kay Maam. Pangulong Duterte, siguro panahon na para balasahin ang mga taga NAIA T3. Madami ng insidente ng pagnanakaw jan sa Airport na yan, hanggang ngayon wala pa rin napaparusahan.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top