0
-->

Sugatan ang isang lalaking namboso umano sa Pasay City, Linggo matapos siyang barilin ng live-in partner ng nagrereklamong babae.
Sinasabing ipinatong ng suspek ang isang cellphone sa bintana ng banyo para umano makuhan ng video ang naliligong biktimang si "Jackie Lou."

Napansin ng babae ang cellphone kaya agad siyang nagsumbong sa isang brgy ex-o na siya ring may-ari ng pinauupahang bahay.
Nagduda naman ng opisyal ng barangay na pagmamay-ari ng isa pa niyang tenant na si Larry Ibañez ang cellphone.
Dahil dito, kinompronta ni "Jackie Lou" si Ibañez at nagkasagutan silang dalawa.
Sa gitna ng pagtatalo, binaril si Ibañez ng kinakasama ni Jackie Lou, na nakilalang si Rein Joseph Rimorin.
Mabilis na tumakas ang babae at si Rimorin.
Isinugod naman sa ospital si Ibañez na nakatakdang operahan dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng tiyan.
Iginiit ng kampo ni Ibañez na walang video ng naliligong babae sa kanyang cellphone.

Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top