0
-->
MANILA - Mahigit isang kilo ng shabu ang tumambad sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa isang condominium unit sa Pasay City, Linggo ng madaling araw.
Naaresto sa operasyon ang apat na suspek na itinago umano ang 35 pakete ng droga sa loob ng mga tsinelas at pakete ng tsitsirya sa kanilang tirahan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na isinisilid ng mga suspek ang mga droga sa mga naturang gamit bago ito ipadala sa ibang lugar.
Bukod sa droga, nakuha mula sa condominium ang isang weighing scale, mga tsinelas, balat ng sitsirya, pera at ilang Malaysian ringgit.
Nakilala ang mga suspek na tulak-droga na sina Enjom Jainoddim, may-ari ng condominium unit, and asawa niyang si John at kapatid na si Miam.
Kabilang din sa mga inaresto si Manik Halis, isang kagawad ng Barangay Culiat, Quezon City.
Ayon kay NBI Anti-Organized and Transnation Crime Division chief Manuel Fayre, nakakaabot ang operasyon ng mga suspek mula Metro Manila hanggang Zamboanga at Malaysia.
Bago ang operasyon, anim na buwan anyang minanmanan ng NBI sina Janoiddim na sinundan nila mula Zambaonga papuntang Metro Manila.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top