0
-->
Tumulong ang taumbayan para mahuli ang isang snatcher na nang-agaw umano ng pera sa isang babae sa Blumentritt, Manila, Lunes ng gabi.
Nadamay din sa kakasuhan ang driver ng taxi na sinakyan ng suspek sa tangkang pagtakas.
Kwento ng bitkimang si Morena David, pauwi na siya dakong alas-9 ng gabi at saglit na naupo habang naghihintay ng masasakyan.
Nagulat na lang anya siya nang hablutin ng suspek, na nakilalang si Alex John Ilagan, ang P1,000 na inilabas niya.
Hinabol ni Morena ang snatcher pero nakasakay ito ng taxi.
Hindi rin umano tumigil sa pagpapatakbo ng kanyang sasakyan ang driver na si Nasario Manalo kahit pa sinubukan itong pahintuin ng biktima at ng taumbayan.
Naplakahan naman ng mga residente ang taxi, dahilan para matunton ito ng pulisya at madampot ang snatcher.
Bagama't itinanggi ni Ilagan ang paratang, mahaharap siya sa kasong robbery habang damay rin sa asunto si Manalo bilang accessory to crime.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top