0
-->


Sinimulan na ngayong araw ang Preliminary Investigation sa kasong paglabag sa Cyber Crime Law na inihain ng kampo ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. laban sa mga opisyal ng Smartmatic sa Manila Prosecutors Office.

Sabi pa nga ni Attorney Amor Amorado, ang nagsisilbing abogado ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos na humihirit daw ng sampong araw na ekstensyon ang kampo ng Smartmatic dahil huli na daw dumating ang kanilang complaint.

Dahil nga dito, itinakda ni Manila Assistant City Prosecutor Macapagal sa June 17, alas-dos ng hapon ang susunod na pagdinig para makapaghain ng counter affidavit ang Smartmatic.

Ang pinagsimulan ng reklamo na ito ay sa kadahilanang pagpapalit ng mga Hash Code sa Transparency Server ng Comelec na sinimulan ni IT Expert Marlon Garcia, ginawa niya ito noong kasagsagan ng Transmission ng boto noong Mayo 09, 2016.

At ang naghihintay na kaparusahan kapag napatunayan ito ay ang pagkakabilanggo ng anim hanggang labing dalawang taon ( 6 - 12 years ), kapag siya ay napatunayang lumabag sa Cyber Crime Law.

Habang kinakasa ng kampo ni Marcos ang paghahain ng electoral protest sa presidential electoral tribunal matapos matalo ni Representative Leno Robredo dahil sa kuwestyunableng resulta ng botohan sa 1, 689 na presinto kung saan natalo si Marcos gayung balwarte at sakop niya ito.

Isa na dito ang lugar ng Leyte, Samar at Pangasinan at iba pang Lugar na sakot ng Rehiyon Dos.

Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top