0
-->
MANILA - Nananatili sa ospital Huwebes ang dalawa sa tatlong batang nasagip ng mga awtoridad nitong Miyerkules matapos ikandado at iwanan ng mga magulang sa kanilang bahay sa Quezon City.
Ayon sa community outreach officer na si Maribel Cayco, naka-confine sa East Avenue Medical Center ang dalawang pinakabata sa magkakapatid, edad walong buwan at isang taon.
"Iyung dalawa, sila iyung severely malnourished, sugat-sugat na po iyung mga ulo nila, mga katawan. May scabies na po sila," paliwanag ni Cayco sa radyo dzMM.
Nasa pangangalaga naman anya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong taong gulang na panganay.
Una nang ibinahagi ng kapitbahay na si John Michael Ancheta na tatlong araw nang hindi kumakain ang mga bata mula nang umalis ang kanilang mga magulang.
Napag-alaman pa ng DSWD na pangalawang beses na palang inabandona ang mga bata. Dati nang kinausap ng DSWD ang mga magulang at ibinalik sa kanila ang pangangalaga ng mga paslit dahil sa kasunduang hindi na pababayaan ang mga ito.
Binanggit din ni Cayco na nakatanggap sila ng balitang gusto na muli ng ama ng mga bata na balikan ang mga ito.
Pero, nag-abiso na anya sila sa ospital na huwag ibigay ang mga bata sa sinumang magpakilalang magulang at sa halip ay papuntahin ang mga ito sa DSWD.
Anya, handa silang tulungan ang mga magulang pero kailangan munang malaman ang kalagayan nila sa buhay. "Ipamukha sa kanila o iparamdam sa kanila na responsibilidad nila ang kanilang mga anak. Hindi po reason iyung maghanap ng hanapbuhay na iiwan ang mga anak, dapat alam po nila iyun."
Desidido naman ang lola ng mga bata na sampahan ng kaso ang mga magulang.
Dati na umano niyang hiningi sa mga magulang ang pangangalaga sa mga bata pero mariing tumanggi ang mga ito.

Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top