0
-->
Nakatakda nang ihain sa papasok na linggo ng sinadora Leila de Lima ang kanyang resolusyon na naglalayon na magkaroon ng imbestigasyon ang Senado sa serye ng pagpatay sa bansa.
Mula nang manumpa umano bilang bagong pangulo ng bansa si Presidente Rodrigo Duterte noong June 30, mahigit na sa 100 ang napapatay sa pinag-ibayong giyera laban sa iligal na droga.
senado
Sa huling panayam sa senadora sa isang radio program sa Metro Manila, sinabi ng senador na hindi siya naniniwala na lahat ng napatay ay dahil nanlaban sa pulis.
Ayon pa sa kanya, karamihan sa mga napatay ay pawang suspek pa lamang.
Kaagad dumipensa si de Lima na bilib siya sa kampanya ngayon ng nagong administrasyon laban sa kriminalidad lalo na sa droga.
Pero as mambabatas, dapat mayroong limitasyon at laging may paalala ang Malacanang sa mga pulis na umiiral pa rin ang hustisya o yung tinatawag na due process.
Paliwanag ng senadora, ang pagpapaimbestiga umano sa Senado ay para matukoy kung ano na estado ng anti-drug campaign, kung ano ang lehitimong pinatay sa operasyon at para makabuo ng mas malinaw na batas na makakatulong sa kampanya ng mga otoridad.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top