0
-->

SANTIAGO CITY, ISABELA - Ala-una ng madaling araw Huwebes nang magsagawa ng buy-bust operation ang Santiago City police sa isang hotel. 
Naaresto sa drug operation ang hinihinalang drug pusher na si Maleck Shehade, 23 anyos at mga kasamang sina Christon Dasalla, 31 anyos at Vicente Lachica, 18 anyos. Nakuha sa kanila ang limang sachet ng hinihinalang shabu.
Pero sa kasagsagan ng operasyon, dumating ang hinihinalang drug user na si Marvin Evangelista at pinagsasaksak si police Chief Insp. Melanio Vinoray, hepe ng Police Station 1. Nagtamo ng apat na saksak sa mukha at braso ang pulis na ngayo'y ginagamot sa ospital.
Ayon kay city director police Senior Supt. Alexander Santos, hindi umano sila matatakot dahil sa nangyari. Mas magiging galit pa umano ang mga pulis sa paghuli sa mga drug users at pushers.
Swerte namang bugbog lang ang inabot ni Evangelista, 'di tulad sa ibang mga suspek na napapatay matapos umanong manlaban sa mga pulis.

Pinuri ng Commission on Human Rights ang mga pulis, dahil walang napatay sa operasyon.
Sa follow-up operation, naaresto ang umano’y drug pusher na si Marivic Remigio, ina ng isa sa mga suspek. Bukod sa pagtutulak ng droga mayroon din itong warrant of arrest sa kasong estafa.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at karagdagang kasong frustrated homicide laban kay Evangelista.

Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top