0
-->
Ngayong nakababa na sa puwesto si former President Noynoy Aquino, inakusahan siya ng dating gobernador ng Laguna ng mga katiwalian at pakikipagsabwatan diumano sa COMELEC upang matanggal siya sa puwesto.

Photo credits: www.pep.ph

Nanawagan din siya ng recall election sa kanilang probinsiya.

Isang mahabang post sa Facebook ang ibinahagi ng dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito kaninang madaling araw ng Sabado, July 2.

Sa naturang post, nanawagan si Ejercito na dapat daw ay managot ang dating pangulo na si Noynoy Aquino sa naging kasalanan nito sa bayan.

Panimula ng actor-turned-politician, “IPAKULONG NA SI NOYNOY AQUINO SA LALONG MADALING PANAHON DAHIL SA PALPAK NA PAMAMAHALA NIYA SA BANSANG PILIPINAS AT SA MGA KASALANAN NIYA SA TAONG BAYAN GAYA NG KASO NIYA SA DAP, PDAF, EDCA, MRT, MALAMPAYA FUNDS, LAGUNA LAKE REHAB, MAMASAPANO SAF 44 AT IBA PANG KASO.

“KAGAYA NI CHIEF JUSTICE RENATO CORONA AT GENERAL ANGELO REYES, AKO DIN PO AY ISA SA MGA KAWAWANG BIKTIMA NG SELECTIVE INJUSTICE NG VINDICTIVE AT INCOMPETENT NA PRESIDENTE NOYNOY AQUINO—DAHIL SA MAHIGIT ISANG LIBONG OPISYAL NA MAY KASONG OVERSPENDING—AKO LAMANG PO ANG NAG-IISANG HALAL NA OPISYAL NA TINANGGAL SA POSISYON SAMANTALANG ANG IBANG OPISYAL AY PINAGBAYAD LAMANG NG CASH FINE AS PENALTY.”


Matatandaang noong February 2015 ay inilabas ng Supreme Court ang pinal na desisyon nito tungkol sa diskwalipikasyon ni Ejercito bilang governor ng Laguna.

Noong May 2013 election, may 1,525,522 registered voters ang naturang probinsiya. Dahil dito, 4.5 million pesos lamang ang dapat sana'y gastos niya sa pangangampanya.

Subalit ang TV advertisements pa lamang niya noon ay umabot na sa 6 million pesos.

Bahagi rin ng kanyang post ang tungkol sa diumano’y sabwatan ng dating pangulo at ng isang komisyoner ng COMELEC.

Dito ay isiniwalat niya ang diumano’y 'Oplan: Asiong.'

Aniya, “AT NOONG MAY 9 2016 ELECTIONS NAMAN AY INUTOS NI NOYNOY AQUINO KAY COMELEC COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM NA GULUHIN NA NAMAN AKO SA LAGUNA AT LITUHIN ANG MGA BOTANTE KO PARA HINDI NA AKO MANALO AT HINDI NA AKO MAKABALIK SA PWESTO— AT PINAUPO NILA BILANG GOBERNADOR NG LAGUNA ANG TUTA NG LIBERAL PARTY NA ISANG SUGAROL AT GARAPAL NA MAGNANAKAW NG PERA NG PAMAHALAANG LALAWIGAN NG LAGUNA. DAHIL YON ANG KANILANG MASAMANG PLANO SA ‘OPLAN ASIONG 2014 at 2016.’

“DALAWANG BESES NA PO BINASTOS AT BINABOY NI NOYNOY AQUINO AT CHRISTIAN ROBERT LIM ANG BOTO NG MGA TAGA LAGUNA—KAYAT HUSTISYA AT PATAS NA LABAN LAMANG ANG AKING IPINAGDADASAL AT IPINAGLALABAN PARA SA MGA MALILIIT AT KAWAWANG BIKTIMA NI NOYNOY AQUINO NA KAGAYA KO. IPAKULONG NA SI BENIGNO SIMEON 'NOYNOY' AQUINO III!!!! –GOV. ER EJERCITO OF LAGUNA.”


Source: PEP.PH
Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top