0
-->
Malungkot at hindi pa rin makapaniwala si Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot nang dumating ito sa Maynila noong Hulyo 7upang makipagpulong kay PNP Chief Ronald dela Rosa. Si Loot ay isa sa mga personal na pinangalanan ni Pangulong Duterte na diumano’y protektor ng sindikato ng droga sa bansa. Kasalukuyan ring kinukuwestiyon ang umano’y kahina-hinalang 100 milyong halaga ng ari-arian nito.
Sa eksklusibong panayam kay Loot ng ABS CBN News, ipinaliwanag niya kung ano ang sa tingin niyang mga dahilan kung bakit nasangkot ang pangalan niya sa Illegal Drug Operations. Ayon sa kanya, ito marahil ay sapagka’t mayaman siya, sa pulitika, at sa negosyo. Aniya, mayaman na ang asawa niya bago pa man sila magkakailala. Ilan sa mga negosyo nito na kanyang binanggit ay ang Ratan business, Lending business, Jewelry business at sabungan.
“Sana naman, kung anuman ang meron kami, na kailangan naming pananagutan, isipin muna ng Presidente na mayroon kaming pamilya.”, saad ni Loot.
Labis din ang pagtataka ng Alkalde sa pagkakadawit niya sa isyu dahil ayon pa sa kanya, mismong si Duterte ang nagrekomenda sa kanya kay dating Pangulong Aquino upang maging PNP Regional Director ng PNP Region XI, noong panahong Mayor pa lamang si Digong.
Samantala, magsasagawa naman ang PNP ng “Lifestyle Check” sa kanilang hanay bilang pag-iimbestiga sa mga ganitong uri ng di-maipalawanag na yaman.



Source: ABS CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top