0
-->

CEBU CITY - Sumuko sa pulisya sa Toledo, Cebu ang dating contestant ng "Pinoy Dream Academy" na si Jay-R Siaboc. Ayon sa mangaawit ay lumutang siya para linisin ang kaniyang pangalan.
Inamin niya na gumamit sya ng iligal na droga pero itinanggi naman niya ang kumalat sa social media na isa siyang drug pusher. Hindi naman siya nagalit sa mga kumakalat sa Internet pero hiling niya na sana tigilan na ang pambabatikos sa kanya.
"Hindi naman ako galit sa kanila. Nag-try lang ako pero hindi naman ako na-addict," aniya Siaboc. Dagdag pa niya: "Gusto ko lang malinis ang pangalan. Hindi totoo na nagbebenta ako ng illegal na droga."
MORE DETAILS: Ex-'PDA' singer Jay-R Siaboc surrenders to police



Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top