0
-->

MANILA – Patay ang isang lalaki na nanlaban umano sa gitna ng isang buy-bust operation sa Caloocan City Martes ng gabi.
Hindi matanggap ng kanyang ina na wala na ang anak na si Roberto alyas Betong Dominguez. Patay si Dominguez nang umano'y manlaban sa mga pulis sa buy bust operation sa Barangay 15, Caloocan City.
Narekober ang isang kalibre .38 at mga sachet ng hinihinalang shabu mula sa bahay ni dominguez.
Pero iba ang kwento ng mga kaanak ni Dominguez. Pinagbabaril umano siya ng mga pulis, kahit pa hindi ito pumalag.
Sa nakalipas na mga araw, marami na ang naitalang namatay na drug suspect na pare-parehong sinasabing nanlaban sa mga awtoridad.
Nauna nang nagbabala ang Commission on Human Rights tungkol sa posibilidad ng paglabag sa karapatang pantao ng mga suspek sa paglunsad ng tinatawag na war on drugs.
Pero depensa ng mga pulis, kailangan din nilang umaksyon oras na malagay sa panganib ang kanilang buhay. – Umagang Kay Ganda, Hulyo 6, 2016, Miyerkules
Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top