0
-->

Sa 41-pahinang de­sisyon, napatuna­yan ni Regional Trial Court Branch (RTC) 79 Judge Nadine Jessica Corazon Fama na nagkasala ang magkapatid na sina Edwin Chua at William Chua dahil sa paglabag sa Dangerous­ Drugs Act of 1972.

Pinatawan ng hu­wes ng reclusion perpetua o kahit man lamang 30 taon pagkakapiit. Ang paglabag ay ini­hain kaugnay sa 1972 law at hindi sa Comprehensive Dangerous­ Drugs Law of 2002 dahil ang pagdakip ay nangyari noong Nov. 15, 2001 sa Zambales.

Ang kaso ay orihinal na isinampa sa isang RTC sa Iba, pero kala­unan ay inilipat sa Quezon City kasunod ang isang motion for transfer at ang sumusunod na approval ng Supreme Court.

Samantala, ang kaso laban sa ikatlong suspek na nakilalang si Henry Tamayo Tan ay naka-archive na matapos na maka­takas mula sa selda sa Camp Crame noong Oct. 2002.

Ang kaso ay isinampa matapos na ang akusado ay na­dakip ng elemento ng NBI na nakaharang sa dalawang asian utility­ vehicles  isa ay minamaneho ni Tan, habang ang isa ay dala ng magkapatid na Chua sa ginawang operasyon kung saan nasabat ang malaking kargamento ng illegal na droga.

Ayon kay Prosecution witness Geovel Aperio, isang special investigator ng NBI, inatasan siya ng ahensya para maghanda ng isang operasyon kasama ang kanyang team para masabat ang illegal shipment na dadaong sa may baybayin ng La Union.

Sabi nito, ang source umano ng impormas­yon ay ang Philippine National Police (PNP) Narco­tics Group at ang Drug Enforcement Agency ng United States of America.

Source: Philstar
Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top