0
-->
Bilang pagtugon sa kagustuhan ni President Rodrigo Duterte na tapusin ang sistema ng kontraktuwa­lisasyon sa ating bansa, ihinain na ng isang mambabatas ang panukala ukol dito kung saan inaasahan na aabot ng hanggang 15 milyong manggagawa ang makikinabang.
Base sa House Bill No. 916 na inakda ng Kaba­yan party-list Representative Harry Roque, tuluyan nang ipagbabawal sa ating bansa ang kalakaran na hanggang lima o anim na buwan lamang puwedeng magtrabaho ang mga manggagawa.
endo
“This proposed law seek to remove discrimination in statutory rights fixed term employees (or certain type of fixed-term employees and permanent employees,” ayon sa panukala ni Roque.

Basi sa huling datos, tinatayang aabot sa halos 15 million manggagawa ang tinatawag na contractual employees na karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa mga pabrika, malls at iba pa dahil lima hanggang anim na buwan lamang ang kanilang employment.

Maaari ng magpatuloy ang mga ito sa kanilang kasalukuyang trabaho kapag pinapirma ng panibagong kontrata su­balit kapag naipasa umano ang nasabing panukala ay maoobliga na ang mga employers na gawin silang regular na empleyado.

Sinuman ang lalabag sa ‘Anti-Endo Act’ ay maaa­ring makulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon bukod sa multang P500,000.
Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top