0
-->

Kinampihan ngayong ni Senador Antonio Trillanes IV ang bagitong Senadora na si Leila de Lima. Ito ay kaugnay sa plano ni De Lima na paimbestigahan ang mga kaso ng summary execution at extrajudicial killings sa hinihinalang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon pa kay Trillanes, may karapatan umano ang bawat senador na magkasa ng mga imbestigasyon partikular sa usaping nagdudulot ng pangamba sa publiko.

Wala nakikitang masama si Trillanes kung ang Committee on Justice and Human Rights na pamumuan ni De Lima ay siyang hahawak sa nasabing imbestigasyon. Ito’y ayon kay Trillanes ay dahil sa ang komite ni de Lima ang siyang may hurisdiksyon sa nasabing usapin.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top