0
-->
Matapos ang kanyang "immunity from suit" bilang isang Pangulo, sinampahan si Benigno "Noynoy" Aquino III ng patung-patong na "homicide complaints" kaugnay ng pagkasawi ng 44 na Special Action Force commandos sa Mamasapano sa lalawigan ng Maguindanao.
Dalawa sa mga kaanak ng SAF 44 ang nagsampa ng reklamo nitong Biyernes, sa tulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

www.gmanetwork.com

Kabilang sa dalawang nagsampa ng reklamo si Erlinda Alliaga, ina ng isa sa SAF 44 na si Police Officer 3 Robert Alliaga.

Gayundin, nagsampa ng reklamo si Warlito Mejia, ama ng nasawing si PO2 Ephraim Mejia.
Inalalayan ang dalawang complainant nina VACC chairman Dante Jimenez at legal counsel na si Ferdinand Topacio.

Sa kanilang reklamo, nakasaad na dapat umanong managot si Aquino sa maraming bilang ng "Reckless Imprudence Resulting in Homicide" sa pagkasawi ng 44 SAF members.
"Aquino's criminal negligence consisted of planning Oplan Exodus with gross and inexcusable neglect and thereafter approved the operation knowing it was flawed," ayon sa reklamo.

Kasama ring kinasuhan sina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating PNP Special Action Force (SAF) director Getulio Napeñas Jr.

Sinisikap pa ng GMA News Online na kunan ng pahayag sina Aquino, Purisima, at Napeñas.


Samantala, nakasaad din sa reklamo na hindi lamang pinayagan ni Aquino ang pagpatutupad ng umano'y depektibong "Oplan Exodus" laban sa mga bigating mga terorista na nagtatago sa Mamsapano noong mga panahong iyon, kundi pinayagan pa niya si Purisima na planuhin at ipatupad ang police operation noong ika-25 Enero 2015.

Matatandaang nakasuspinde si Purisima noong mga panahong iyon dahil iniimbestigahan ito ng Ombusdman kaugnay sa reklamong korapsyon.

Napag-alaman sa mga pag-imbestiga ng Kongreso na noong ika-9 ng Enero 2015, pinulong ni Aquino sina Purisima at Napeñas sa Bahay Pangarap sa loob ng Malacañang upang pag-usapan ang pinal na mga detalye ng Oplan Exodus at ipinatupad ang plano pagsapit ng Enero 25.

Nalaman din sa pamamagitan ng Congressional inquiry na matapos ang pagpupulong ng tatlo, sinabihan umano ni Purisima si Napeñas na huwag sabihin ang plano kay noo'y acting PNP chief Leonardo Espina at kay dating Interior Sectary Mar Roxas.

"Aquino's criminal negligence [lies in] allowing suspended PNP Chief Purisima, not only to participate in 'Exodus' but in the running thereof during, and even in giving information and intelligence whilst the operation was ongoing," ayon sa nakasaad sa complaint.

Tinumbok ng operasyon ang barangay Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano.

Pumalpak ang operasyon nang pinagtulong-tulungan ang mga nasawing 44 SAF ng mga miyembro ng mga armadong grupo doon, kabilang na ang mga mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa splinter group nitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at ilan din mula sa mga private armed groups.

Napatay ng unang grupo ng SAF troopers si Marwan sa operasyon, ngunit nakatakas naman si Usman, na napatay din umano ng MILF noong Mayo 2015.

Mahigit 60 katao ang nasawi sa madugong operasyon, kabilang ang SAF 44 (na nagsilbing blocking force), 18 miyembro ng MILF, limang mula sa BIFF, at tatlong sibilyan.

Ikinagalit ng marami sa bansa ang madugong insidente na nakaapekto rin sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan.


Binawi ng ilang mambabatas ang kanilang suporta sa itinutulak ng Malacañang na Bangsamoro Basic Law (BBL), na maaari sanang maging daan sa pagtatatag ng Bangsamoro "autonomous political entity" in Mindanao.



So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top