0
-->

Dalawang mayor na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga na kasama sa listahan ng mga “narco politicians” na anumang oras ay isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano ay umiiyak na nagmakaawa na huwag silang hiyain at ilantad sa publiko. Kusa na lamang daw silang magbibitiw sa kanilang panunungkulan.

“The two offered to resign,” ang sabi ni Pangulong Duterte ngunit hindi niya umano tinanggap ang pagbibitiw ng dalawa. Aniya ay isang masusing imbestigasyon pa ang isasagawa para makumpirma ang report na tunay nga silang may kaugnayan sa malalang problema sa droga.

Sa ulat ng Philstar, ipinag-utos umano ng Pangulo sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas na suriing maigi ang report tungkol sa mga “narco mayors” bago ito isapubliko.

Dagdag pa ni Duterte, maaaring masira ang “career” ng mga politiko kung sila ay mapapangalanan, kahit na ito ay walang sapat na basehan at walang katotohanan.

Ipinaliwanag ng Pangulo na ibineberika pa niya ang listahan at nagsasagawa ng “double-checking” bago maglabas ng anunsiyo.

 Source: DefinitelyFilipino, Philstar

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top