0
-->

MAYNILA, Pilipinas – Mistulang nakabangon na mula sa masalimuot na kontrobersiya ang model na si Deniece Cornejo matapos itong maitalaga ng grupo ng international NGO bilang ‘Ambassador-of-Goodwill’ para sa kabataan dito sa bansa.
Ayons ulat ni Robert Requintina ng Manila Bulletin, ang appointment ni Cornejo ay nagmula sa mga grupong SPMUDA International Organization for Peace and Development, Trans-Mundi Pax Humanitas at The Chivalric Order of Royal Bai, Mindanao.
Nakatakdang magsilbi sa grupo si Cornejo sa loob ng tatlong taon.
Ang SPMUDA International ay isang ‘non-profit’ NGO na kinikilala rin ng United Nations Department of Economics and Social Affairs at merong 193 sangay sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.
Isa sa magiging papel ni Cornejo sa grupo ay makipag-ugnayan para sa pakikipagkaibigan at kooperasyon tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga kabataang mahihirap.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Cornejo ang panibagong papel na kaniyang gagampanan at ang hamon nito sa kaniyang kakayahan.
“The United Nations calls on the people of the world to remember their common humanity and join together to build a future free of strife,” ayon kay sa kontrobersyal na model.
“Weeks from now will share on how Sustainable Development Goals can build peace. In God’s will and hopefully my voice will be heard at an official event at the United Nations Headquarters in New York this September,” dagdag pa nito.
Si Cornejo ay nasangkot sa isang eskandalo kasama ang ‘It’s Showtime” host na si Vhong Navarro at negosyanteng si Cedric Lee mahigit dalawang taon na ang nakararaan.
Matapos manahimik nang ilang linggo sa social media, muling naging aktibo ang 25 anyos na dalaga sa kabila ng mga kasong kinakaharap nito .
Bagama’t naging mailap sa media, naging abala naman si Cornejo sa iba’t-bang adbokasiya para sa kabataan at iba pang grupo kung saan inuukol niya ngayon ang kaniyang oras.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top