0
-->


Kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ginalugad ng mga elemento ng NCRPO ang medium security compound Huwebes ng hapon matapos makatanggap ng tip na may ginagawang bentahan ng iligal na droga sa loob.

Hinalughog ng mga operatiba ang mga building at selda sa loob at nakumpiska ang iligal na droga, drug paraphernalia at iba pang kontrabando.

Ayon sa NCRPO, bago ang kanilang operasyon ay nagsagawa ng buy-bust operation ang isang operatiba sa isang inmate sa loob ng medium security compound, at nang magpositibo ay doon na sumalakay ang SWAT (Special Weapons And Tactics) teams ng NCRPO.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring ginagalugad ng mga pulis ang mga selda sa loob ng NBP.

Source: ABS-CBN News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top