0
-->
Pansamantalang tinanggal sa pwesto ang siyam na opisyal ng Manila Police District (MPD) at ilan pang kasama sa marahas na pagtaboy sa mga raliyista sa labas ng US Embassy sa Maynila Miyerkules ng hapon.
Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni National Capital Region Police Director Chief Supt. Oscar Albayalde, kabilang sa mga tinanggal sa pwesto si Senior Supt. Marcelino Pedrozo, Deputy Chief for Operation ng MPD.
Tiniyak ni Albayalde na may mananagot sa nangyari na ikinasugat ng ilang pulis at raliyista.
Aminado ang opisyal na may lapses sa panig ng MPD, tulad ng kakulangan sa mga tao.
Binigyang-diin naman niya na sa simula pa lang ay naging marahas na ang mga nagpo-protesta. Aniya, tao rin ang mga pulis na hindi pwedeng hayaan na lang na sila'y sinasaktan.
Paliwanag niya, may responsibilidad ang MPD na paalisin ang mga raliyista dahil naabala ang mga motorista.
Dagdag niya, pwede nilang hayaan na magpatuloy ang rally kahit walang permit dahil sa kalayaan na maghayag ng kanilang saloobin, ngunit wala dapat karahasan.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, ginamitan ng tear gas ang humigit-kumulang 1,000 taong nag-martsa sa embahada noong Miyerkules habang patapos na ang kanilang programa.
29 katao naman ang mga naaresto.
Sugatan ang ilang militante matapos masagasaan ng police mobile na minamaneho ni Police Officer 3 Franklin Kho.
Giit ni Kho, wala silang intensyong gawin ito.
"Inaagaw na ng mga rallyista yung sasakyan eh, kaya napilitan akong kunin ko yung sasakyan, kaya napaatras ko. 'Yun ang nangyari," aniya.
"Wala naman kaming intensyon na gawin sa kanila 'yun."
Ani rin ni Pedrozo, pinatupad nila ang 'maximum tolerance,' ngunit ang mga militante ang hindi rumespeto sa kapulisan. Giit niya, hindi sinadya ang pananagasa.
"Hindi po sinasadya 'yun, binabasag po nila 'yung salamin nung ating government vehicle. Ang kagustuhan lang naman po ng pulis natin, alisin po yung mobile car sa lugar na 'yun. Hindi po talaga sinasadya kung may nasaktan."
Source: http://news.abs-cbn.com/news/10/20/16/9-na-pulis-maynila-sibak-sa-pwesto-dahil-sa-marahas-na-dispersal

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top