0
-->

Ililibing na ngayong tanghali sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director C/Supt. Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde, alas-9:00 nitong umaga nang inilipad mula sa Laoag City ang mga labi ng dating pangulo. Alas-12:00 ngayong tanghali ay ihihimlay ang mga labi ni Marcos. Sinabi ni Albayalde na magiging simple lang ang libing at military honors lang ang ibibigay kay Marcos. Kung maalala, noong November 8 nang magpalabas ng kautusan ang Supreme Court na pinapahintulutan ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Source:bomboradyo

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top