0
-->
Sugatan ang pitong miyembro ng Presidential Security Group (PSG) makaraang tambangan sa Barangay Matampay, Marawi City kaninang umaga.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bukod sa mga miyembro ng PSG, dalawa pang sundalo na escort ng grupo ang sugatan din.

Isa sa mga sugatang miyembro ng PSG ay malubha ang tinamong mga sugat.

Nasa Marawi ang mga miyembro ng Presidential Security Group bilang advance party para sa pagtungo bukas ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi.

Patungo sana ng headquarters ng 103rd Brigade ang convoy na sinasakyan ng PSG, kasama ang mga personnel mula sa RTVM at ang mga sundalo na kanilang escort nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa daan.

"Between 1030H-1100H today a convoy of PSG personnel, RTVM and local troop escorts were waylaid via a roadside IED while enroute to Marawi. As a result, 9 were reported injured, consisting of 7 PSG & 2 regular troops escorting them. Most were slightly injured except for one PSG member who sustained serious injuries. A Presidential chopper immediately airlifted the seriously injured and 4 others to an undisclosed medical facility for emergency care," ani Padilla.

Kaugnay nito, nagpapatuloy umano ang ginagawang assessment ng Presidential Security Group (PSG) kaugnay sa naganap na pananambang sa Marawi City, Lanao del Sur kung saan ikinasugat ng pito nilang miyembro.

Bandang 10:45 kaninang umaga nang madaanan ng PSG advance party ang improvised explosive device (IED) sa Barangay Emie Punod, Marawi City na ikinasugat ng pitong PSG members na agad dinala sa hindi binanggit na medical facility sa pamamagitan ng rumespondeng Presidential chopper.

Sinabi ni Lt. Col. Michael Aquino, inaalam pa nila ngayon kung sino ang responsable sa pananambang at kung target talaga nito si Pangulong Rodrigo Duterte o bunsod ito ng nagpapatuloy na military operations sa Lanao del Sur.

Ayon kay Aquino, hindi pa nila masabi sa ngayon kung makakaapekto ang ambush sa biyahe ni Pangulong Duterte bukas sa Marawi City pero tiniyak nitong 'well-trained' ang PSG para pangalagaan ang seguridad ng presidente.

"Tight talaga ang security natin, kahit saan tayo magpunta, hindi naman tayo nagpapabaya, talagang alert tayo, naka-alert tayo palagi at tsaka yung mga tropa natin, trained talaga iyan, maganda rin ang mga training ng tropa natin," ani Lt. Col. Aquino.

~ Source: Bomboradyo

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top