0
-->


"One day mamahalin mo rin ako."
'Yan ang mensahe ni Kris Aquino para kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes nang hapon matapos hindi sumipot ang presidente sa kanilang nakatakdang panayam.
Ang kanilang usapan sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit ng GoNegosyo sa Davao City sana ang highlight ng pagbabalik ni Kris sa telebisyon matapos ang pitong buwang pahinga.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, masama ang pakiramdam ni Duterte matapos lumapag sa Davao City pasado alas-kuwatro nang umaga matapos ang dalawang araw na official visit sa Malaysia.
"Talagang killer schedule eh..." ani Lopez. "I was with him ever since the series of state visits and if you know really the schedule talagang one after the other, takbo na, convoy, meeting, takbo na naman, then the flight arriving late. I had the benefit of a three-hour sleep. Baka si Presidente, tuluy-tuloy pa iyong meeting niya pagbalik dito."
Si Kris naman, idinaan na lamang sa biro ang hindi pagsipot ni Duterte.
"Minsan ang mga first date hindi natutuloy," ani Kris. "President Duterte pinaghandaan kita, nagdiyeta ako nang dalawang linggo."
Si Kris ang pinakabatang kapatid ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Noong eleksyon, sinuportahan ng TV host si Mar Roxas, isang mahigpit na karibal ni Duterte.
Ayon kay Kris, umaaasa siyang makakausap pa rin si Duterte sa hinaharap.
"President Duterte, please give me a chance. I hope one day mamahalin mo rin ako," aniya.

[Source]

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top