0
-->

Inilarawan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na basura ang inihaing reklamo ng self confessed killer na si Edgar Matobato sa Ombudsman ukol sa umano’y pag-iral ng Davao Death Squad.

Ayon kay Vice Mayor Duterte, ang mga kasong kriminal at administratibo na inirereklamo laban sa kanya, kay Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ay nagpapatibay lamang sa demokrasya ng Pilipinas.

Iginagalang ni Duterte ang paghahain ng reklamo ni Matobato dahil kahit na sino ay may karapatan lalo na kapag nalalabag ang karapatang pantao.

Pero giit ng bise alkalde, ang mga alegasyon ni Matobato laban sa kanila ay produkto lamang ng imahinasyon ng isang galit na tao.

Nangangahulugan lang din aniya na ang ginawa ni Matobato ay nagpapakita nang kanyang patuloy na pagsisinungaling.

Una nang inihayag ng Malakanyang na ang mga pahayag ni Matobato ay panghaharass lamang at paglilihis sa atensyon ni Pangulong Duterte para hindi magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin.

[Source]
Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top