0
-->


Aaminin ko, Idol kita noong lumabas ka sa T.V na ang issue noon ay sa OAKWOOD MUTINY. mula noon.sinundan ko na ang balita tungkol sayo. naisip ko nun, sa Wakas! unti unti nang may mga taong lumalabas at nag tatanggol sa Mga Pilipino.laban sa mga Pinunong may maling sistema sa pamahalaan. Ang astig mo tignan. naka uniporme ka ng sundalo. may telang Pula na nakatali sa braso. para kang isang mandirigma ng katotohan. bayani at bagong mukha ng isang Bonifacio na nabuhay sa makabagong pulitika ngbayang Pilipinas.

fast forward the story, ikinulong ka at nilitis. subalit mas naging mataas ang paggalang sayo ng mga Pilipino. sa kabila nito.umusad at hindi napigilan ang pag taas ng respeto sayo,.katumbas ng pag lago din ng mga taong sumuporta sayo dahil sa iyong ideyolohohiya at mga ipinag labang prinsipyo.

Ang alam ko kasi. hindi ka mag babago. pero mula noong nanalo kang senador. naging mataas na ang tingin mo sa sarili mo.at lumaki na rin ang iyong ulo.
Gusto naming ipa alala sayo ang pinanggalingan mo. Isang payak na simula, isang mukha ng isang sundalo na sumisigaw sa ngalan ng kapakanan ng bayan.at hindi ng kanyang personal na interes at katalinuhan. 

Ngayon, isa ka nang mabangis na kawal. at pag aari hindi ng taong bayan kundi ng ilang taong nasa kapangyarihan. Tuta na makamandad ang laway at handa nang pumatay sa utos ng mga hindi na pumapanig sa katwiran.

sana ay maalala mo kung paano mo nakuha ang kapangyarihan mo ngayon Senator Trillanes, Utang mo yan sa mga mamamayang Pilipino na bumoto at umasa sa iyong mas makabuluhang kakayahan. Ang lahat ng meron ka ngayon ay dahil sa respeto na na i ambag mo , na ang ugat ay sa Oakwood Mutiny.. 

Kunsabagay. matagal ng lumipas ang Panahong iyon. isa na lamang ito alala. ng iyong ka ginoohan. at kababaang loob. Na ang kahulugan sa amin ay matamis na pangako para sa isang matatag na republika.

Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top