0
-->

ZAMBOANGA CITY (UPDATED) – Inireklamo ng isang babae sa mga pulis sa Zamboanga City ang isang lalaki na nanggahasa umano sa kanyang alagang pusa.
Kwento ng isang 59-anyos na residente ng Barangay Sta. Ana, nilapitan siya ng kanyang kapitbahay noong Miyerkules tungkol kanyang alagang lalaking pusa na may sugat sa puwitan. 
Inamin umano ng kanyang kapitbahay na hinalay ng kanyang asawa ang pusa. 
Ayon diumano sa kanyang kapitbahay, nag-away sila ng kanyang asawa noong Miyerkules, at matapos nito ay saka umano ginahasa ng lalaki ang pusa.
Nilinaw ng may-ari ng pusa na isinumbong lang niya sa mga pulis ang asawa ng kapitbay para lang malaman ng mga otoridad ang pangyayari. 
Ayon sa mga pulis, hindi nila maaaresto ang suspek dahil walang ebidensya laban sa kanya. -- ulat mula kay Jewel Reyes, ABS-CBN News

Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top