0
-->

Inakusahan ang isang teenager na ina matapos abusuhin at gawaan ng sexually abusive material ang kaniyang sanggol na anak.
Ayon sa ulat ng Michigan Live, aminado ang suspek na si Jazmine Nichole Pacyga, 19, ng Muskegon Township, na nagsasagawa ito ng oral sex sa kaniyang 3-buwang gulang na sanggol; ayon sa abuse at neglect petition na isinampa ng Michigan Department of Health and Human Services. Ang petisyon ay diumano’y ang bahay ng sanggol ay hindi angkop dahil sa paglalasing at kapabayaan ng ina.
Sinuspende na rin ang parental rights ni Pacyga at dinala na rin sa Muskegon County Jail dahil sa dalawang mabigat na kasalanan.
Si Pacyga, na mula sa 834 S. Sheridan Road, ay sinampahan na ng first degree criminal sexual conduct at manufacturing child sexually abusive material. Maaari siyang maharap sa habambuhay na pagkakabilanggo.
Ang diumano’y assault ay naganap noong ika-5 ng Pebrero; ayon kay Muskegon County Chief Assistant Prosecutor Timothy Maat.
Ayon sa court records, nasa kostodiya na ng DHHS ang sanggol at inaalam na rin kung sino ang ama nito.
Si Pacyga ay sinampahan ng kaso bilang second-time habitual offender dahil sa nauna na nitong conviction para sa felony home invasion; ani Maat.
Ang kaso ng criminal sexual conduct ay may parusang habambuhay na pagkakabilanggo, at ang ikalawang kaso na sexually abusive material ay may parusang 20 taong pagkakabilanggo. Kung may conviction, ang aktwal na sintensiya ay matutukoy ng husgado base sa state guidelines.
Binasahan ng sakdal si Pacyga noong ika-7 ng Pebrero at ang kaniyang piyansa ay $200,000. Ang kaniyang preliminary exam ay sa darating na ika-23 ng Pebrero sa ganap na 2 p.m. sa courtroom ng Muskegon County District Judge Geoffrey Nolan.
Panoorin ang ulat sa video na ito mula sa You Tube:

Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top