0
-->

MAYNILA, Pilipinas – Patay ang isang miyembro ng Philippine Marines habang walo pa ang nasugatan matapos tambangan ng New People’s Army (NPA) habang nagpapatrulya sa Barangay Hinala, bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat Lunes ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Private Albino Bahian III, miyembro ng 2nd Marine Battalion Landing Team, habang ang nasugatan naman ay sina Staff Sergeant Alexander Falcasantos, Corporal Joseph Accad, Corporal Castle Camu, Corporal Robert Paul de Asis, Corporal Marlon Ampao, Private First Class Kenneth Dave Calaycay, Private First Class Glenn Genova, Private Jared Sugagil, at Private Randy Borromeo.
Samantala, siyam naman umano ang napatay sa mga rebeldeng grupo, ayon sa NDCB News na kinumprima umano ng mga lokal na opisyal.
Tumagal umano ng halos tatlong oras ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo na nagsimula ng bandang alas-9 ng umaga hanggang ang NPA ay nagpasiyang umatras patungong kabundukan sa parte ng South Cotabato tangay ang kanilang mga namatay at sugatang kasapi.
Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Police Senior Superintendent Raul Supiter, nagpapatrulya umano ang grupo ng kasundaluhan sa parte ng Sitio Tinagdanan na mahirap marating ng mga tao.
“Yung mga nakakapasok lang talaga ‘yung habal-habal, on the way, on the process of conducting patrol in-ambush,” ayon kay Supiter.

Tinutugis na ngayon ng isang grupo ng kapulisan ang mga nag-ambush na kinumpirma ni Ka Efren, tagapagsalita ng Far South Mindanao Regional Command, na nagmula sa Mount Daguma Subregional Operational Command upang papanagutin sa nangyari.
Loading...

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top